18 December 2011 ♥ 182
18 December 2011 ♥ 119At yun ay dahil sa kadahilanang….HINDI NA IKAW ANG DAHILAN NG KASIYAN NIYANG YON.
18 December 2011 ♥ 207Sa mga taong broken-hearted, naiwanan, nasaktan ng minamahal o wala pang love life. Think positive! ‘Wag kayong nega pagdating sa ganyan. May mga tao kasing nagsasabing, “Hindi na ko magkaka-love life.”, “Forever alone na ko.”, “Wala na kong makikitang taong magmamahal sa’kin.” o “Wala nakong makikitang hihigit pa sa kanya eh.” ‘Pagkatapos ng mga pangyayaring ganyan. Ganito dapat ang sabihin mo…
- “I deserve someone better.” May mga rason kung bakit hindi na nagpatuloy ang buhay mo kasama ang taong ‘yun. Isipin mo na lang na sadyang dumaan lang siya sa buhay mo, para pasayahin ka kahit sa sandaling panahon lamang. May tao pa dyan na maaring magmahal pa sa’yo. Sobra pa sa pinaramdam ng past lover mo.
- “Marami pang iba dyan.” Nagka-amnesia ka ba at nakalimutan mong may bilyong-bilyong tao dito sa mundo? Maraming tao sa mundo. Hindi lang siya.
- “Magiging masaya ako.” Totoo naman ‘to eh. Mawala man siya, hindi ka dapat magsayang ng panahon mo. Maging masaya ka at kalimutan na siya. Life goes on… Kahit wala na siya sa buhay mo.
- “Kaya ko ‘to!” Oo! Kayanin mo! Kayanin mo ang sakit na natamo mo. Sa umpisa, mahirap talaga. Pero kapag nalampasan mo ‘yang paghihirapan na ‘yan, masasabi mo na lang na, “Nakaya ko pala. Akalain mo ‘yun?”
- “It’s okay. I’ve got my friends.” Malungkot ka man o masaya, andyan naman sila di ba? Sila pa nga ang dahilan kung bakit ka nagiging okay sa panahon na nalulungkot ka. Sila ‘yung mga taong, hindi ka iiwan at iintindihan ka. Kaya okay lang ‘yan, may kaibigan ka na kahit anong mangyari, karamay mo sila. ‘Yung tipong masasabi mo ‘to: “I may not have the best love life in the world, but I am blessed with super great friends in the land…” Kaya kahit papano, friendship is way better than relationship.
- “Magmamahal ulit ako.” Ang love, may cycle din ‘yan eh. Magiging kaibigan mo siya, ligawan stage, kayo na, habang tumagal, nagkasawaan. Wala na. Kaya kahit ilang beses ka pa masaktan sa letcheng pag-ibig na ‘yan. Magmamahal at magmahahal ka pa rin ng paulit-ulit.
Sa love, ‘wag maging nega. Kesyo hindi mo makakayang mag-move on. Kesyo hindi mo kayang mag-let go. Kaya mo ‘yan, natatakot ka lang gawin ang mga bagay na ‘yun dahil hindi mo pa tanggap. Lahat tayo, nararanasan masaktan, magmahal ng sobra at dapat alam din natin kailan hihinto. Darating din ‘yung pagkakataon na, hindi mo na mararanasang masaktan sa taong mahal ka ng lubusan…




